28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Davao: Kalsada Sa Megkawayan Nasira Dahil Sa Landslide

- Advertisement -

Davao City – Nasira ang kalsada sa Purok Del Rosario patungong Purok Maligay, Barangay Megkawayan nang dahil sa sunod-sunod na pag-ulan. Lumambot ang lupa kaya bumigay ito sanhi ng landslide at nasira pati ang kalsada sa nasabing lugar.

Agad na tinugunan bandang alas-4 sa hapon kahapon, Nobyembre 12, 2021 ng mga tauhan ng R-PSB DCPO Cluster 7 na nakatalaga sa mga Brgy Lacson, Brgy. Lamanan, Brgy. Inayangan, Brgy. Saloy, at Brgy. Megkawayan na pinangunahan ni PLt. Marlon M. Donquilab sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Nolan R. Raquid, ang Chief ng City Plans and Programs Unit/Overall Coordinator ng R-PSB DCPO Cluster 7 kasama si PMaj. Jake C. Goles, ang Station Commander ng PS10, R-PSB Cluster 7.

Visit RPN DXKT Davao

Ayon kay PLt. Donquilab, para maiwasan ang disgrasya, agad nilang sinigurado na ligtas ang lugar sa  mga motorista kaya temporaryong isinara ang daan.

(Source: R-PSB DCPO Cluster 7)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -