32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Davao: Empleyado ng LGU at guro ng isang public school, aresto sa buy-bust operation

- Advertisement -

Inaresto ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office XI ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan sa isinagawang drug buy-bust operation kasama ang Davao Occidental Police Provincial Office at Malita Municipal Police Station dakong 2:15 Martes ng hapon, Oktubre 18, 2022 sa Barangay Poblacion, Malita.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni PDEA XI Regional Director Aileen Lovitos ang suspek na si Rodrigo Rodriguez alyas Rolly, 68-anyos, na nabili ng isang pakete ng hinihinalang shabu, 1 gramo na nagkakahalaga ng P15,000.

Sa operasyon, nadakip din ang isang public school teacher na nagngangalang Isabel Tanggo at isang Haren Fel Tagose na naaktuhan na nakipag-shabu session sa loob ng drug den.

Nakumpiska rin sa mga operatiba ang dalawa pang pakete ng hinihinalang shabu, 11 gramo na nagkakahalaga ng P165,000, tatlong sachet ng hinihinalang Cannabis Sativa at mga drug paraphernalia.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto.

(Source: PDEA XI)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -