Sunday, May 5, 2024

Baguio: Pagsunod ng fare matrix sa Itogon, Benguet ipinatutupad dapat imga jeepney tumupad

- Advertisement -

Itogon, Benguet – Ang di pagsunod ng Fare matrix sa Itogon, nananatiling problema ng mga mananakay roon. Inamin ni Dalupirip, Itogon Barangay Captain Paul Camantiles na may mga jeepney drivers at operators ang hindi sumusunod sa fare matrix na ipinapatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Visit RPN DZBS Baguio

Ayon kay Camantiles, Sa ngayon, may mga jeepney drivers at operators ang nagtaas ng singil ng pamasahe ngunit mayroon din namang sumusunod sa itinakdang fare matrix. Idinagdag niya na may sumisingil ng 100 hangang 150 pesos na pamasahe na mas mataas sa itinakdang fare matrix.

Anya na dapat lang ipatupad ng mga jeepney drivers at operators ang fare matrix at pinayuhan niya ang mga ito kung gusto niya ang kanilang singil sa pamasahe ay masunod dapat lang silang sumulat o isubmit ang kanilang petisyon sa LTFRB para sa pagsang ayon nito. Kanyang idinagdag na ang nasabing problema sa pamasahe ay kanya nang idinulog Sa Committee on Transportation para ito ay magkaroon ng solusyon bago pa maganap ang Barangay General Assembly sa November 7, 2022. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Itogon)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img