Saturday, May 4, 2024

Davao Del Sur niyaning ng magnitude 3.8 at magnitude 3.9 na lindol

- Advertisement -

Niyanig ng magkasunod na lindol ang Davao Del Sur, Martes ng gabi at Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa PHIVOLCS, unang tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa layong anim na kilometro timog-silangan ng Matanao, Davao Del Sur dakong alas 11:05 Martes ng gabi.

At sinundan ito ng magnitude 3.9 na lindol sa layong 14 kilometro timog-kanluran ng Polomok, South Cotabato dakong alas 12:30 ng madaling araw ngayong Miyerkules.

Dahil sa magkasunod na pagyanig, naitala ang instrumental intensity 2 sa Kidapawan City at instrumental intensity 1 sa Alabel, Sarangani at Tupi, South Cotabato.

Samantala, nilinaw naman ng PHIVOLCS na ang magkasunod na lindol ay aftershocks ng magnitude 6.9 na lindol noong linggo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img