29.6 C
Manila
Friday, April 26, 2024

DILG: Clearing ops ng mga LGUs ‘di dapat itigil sa kasagsagan ng kapaskuhan

- Advertisement -

Muling nagpaalala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Units (LGUs) na hindi dapat itigil ang clearing operation sa kasagsagan ng kapaskuhan.

Ito ay matapos na tumanggi ang ilang lokal na pamahalaan ng mga lungsod na ipagpatuloy ang clearing operation dahil abala na umano sa darating na pasko at bagong taon.

Ayon kay DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya, maglalabas na sila sa Enero sa susunod na taon ng panibagong memorandum na mag aatas sa mga LGUs na mas paigtingin pa ang paglilinis ng mga obstruction bilang tugon narin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -