Thursday, May 30, 2024

Davao: Dagdag na 170,000 doses ng Johnson and Johnson’s Janssen at 20,300 doses ng Oxford-Astrazeneca covid-19 vaccine, dumating sa Davao region

- Advertisement -

Davao City – Dagdag na 170,000 doses ng Johnson and Johnson’s Janssen at 20,300 doses ng Oxford-AstraZeneca na mga COVID-19 vaccine ang dumating sa Davao City International Airport ngayong araw, Enero 10, 2022 sakay ng PAL Commercial Flight PR 1809.

Visit RPN DXKT Davao

Ang natanggap na mga bakuna ay ilalaan para sa patuloy na vaccination roll-out sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, nasa kabuuang 8,188,080 doses na ang natanggap ng Davao Region.

Ang Department of Health (DOH) ay nanghikayat sa lahat ng mga residente na may edad 12 anyos at pataas na magpalista sa kanilang mga Local Government Unit (LGU) para mabigyan ng iskedyul para sa bakuna at makipagtulungan na labanan ang COVID-19.

(Source: Department of Health Davao Region)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -