Tuesday, May 7, 2024

Davao: Construction worker, pinatay ng sariling katrabaho sa Davao city

- Advertisement -

Davao City – Patay ang isang construction worker matapos tagain ng kanyang sariling katrabaho alas-8:30 kagabi, Disyembre 6, 2021 sa El Rio Vista, Brgy. 19-B sa lungsod.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni PMaj. Rose Aguilar, ang Spokesperson ng Davao City Police Office ang biktima na si Allan Regalado, 39 anyos at residente ng Golden Hills, Km 14, Panacan, Davao City.

Sa imbestigasyon ng San Pedro PNP, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek na kinilalang si Reginald James Mike Tabudlong, 29 anyos at residente ng Diversion Road, Maa. Hinampas ng biktima ang suspek gamit ang isang bakal ngunit hindi ito tinamaan dahilan na kumuha ang suspek ng itak saka tinaga ang biktima na tinamaan sa leeg.

Agad na dinala ang biktima sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) kung saan idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Sa ginawang manhunt operation ng mga awtoridad, agad na nadakip ang suspek na nasa kustodiya na ng San Pedro Police Station.

Inihanda na ang kasong homicide laban sa naarestong suspek.

(Source: PIO DCPO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img