Sunday, May 5, 2024

Davao: Call center agent, arestado dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga

- Advertisement -

Davao City – Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng kapulisan sa ilalim ng pamumuno ni PMaj. Robel B. Saavedra, ang Acting Station Commander ng Mandug Police Station ang isang alyas “John”, 25 anyos, isang call center agent at residente ng Woodridge, Maa, Davao City. Ang nasabing personahe ay nakilala bilang Street Level Target (SLT) at nahuli sa buy-bust operation nang matapos ang transaksyon sa kahabaan ng Carpio Village, Pioneer, Buhangin, Davao City alas-10:30 ng umaga kahapon, Disyembre 10, 2021.

Visit RPN DXKT Davao

Ang pagmamarka sa mga piraso ng ebidensya na isinigawa sa lugar ng pag-aresto ay nilahukan ng Elected Barangay Official, Media at Kinatawan ng DOJ na pumirma sa certificate of inventory of evidence sa presensya ng nadakip na suspek.

Lahat ng mga nakumpiskang drug items (Shabu) ay may tinatayang street market value na three thousand five hundred pesos (₱ 3 500.00) at tinatayang may timbang na 0.02 gramos at ito ay isusumite sa Davao City Forensic Unit XI, Ecoland, Davao City para sa laboratory examination. Narekober din ang isang (1) yunit ng Samsung cellular phone at isang (1) 500 peso bill (₱ 500.00) bilang buy-bust money.

Sa karagdagan, inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 laban sa naarestong suspek.

(Source: PS 13 Mandug Police Station)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img