32.7 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Davao: 249 TUPAD beneficiaries sa Tagum city, nakatanggap ng tulong pinansyal

- Advertisement -

Davao del Norte – Isang maligayang bagong taon para sa 249 na mga benepisyaryo ng TUPAD program o Tulong Panghanapbuhay para sa Displaced/Disadvantaged na mga manggagawa dahil natanggap nila kaninang umaga, Disyembre 31, 2021 ang bayad para sa sampung (10) araw na cash-for-work program ngayong buwan.

Visit RPN DXKT Davao

Ang TUPAD ay isang emergency employment program ng Department of Labor and Employment (DOLE) na katuwang ng Public Education and Employment Services Office (PEESO).

Ang pondo ng TUPAD para sa batch na ito ay mula sa opisina ni Senador Lito Lapid.

Sa pahayag ni Tagum City Mayor Allan Rellon sa kanyang talumpati, ang Pamahalaang Lungsod ng Tagum ay gumawa ng sariling bersyon ng nasabing emergency program na kung tawagin ay TAPAT o Tabang Panginabuhian para sa mga Tagumenyo.

Dagdag pa ni Mayor Rellon na naglaan sila ng malaking budget para sa TAPAT sa susunod na taon para makatulong at makapagbigay ng mga oportunidad sa trabaho sa mga nawalan ng trabaho o kabuhayan dulot ng pandemya.

(Source: City Government of Tagum)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -