Sunday, May 5, 2024

Dating Justice Minister ng South Korea kinasuhan matapos masangkot sa iba’t ibang iskandalo

- Advertisement -

Pinakakasuhan na ng South Korean prosecutors ang kanilang dating Justice Minister na si Cho Kuk, 2 buwan matapos itong magbitiw sa puwesto dahil sa kinasangkutang iskandalo.

Batay sa ulat, sinampahan ng ilang kasong may kinalaman sa panunuhol, pamemeke ng mga dokumento at paglabag sa public service ethics law si Cho at asawa nito.

Sinasabing kasama ni Cho ang kanyang asawang si Chung Kyung-Shim sa pamemeke ng dokumento hinggil sa mga negosyo ng kanilang pamilya at upang makapasok sa unibersidad ang kanilang mga anak.

Sa kabila nito, mananatili namang malaya si Cho habang patuloy na magtuturo bilang professor sa unibersidad ang kanyang asawa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img