Friday, May 17, 2024

Daloy ng trapiko nagsimula nang bumigat — MMDA

- Advertisement -

Nagsimula nang magsikip ang daloy ng trapiko sa ilang lugar sa Metro Manila partikular na sa bahagi ng Cubao sa Quezon City gayundin sa Taft Rotonda sa Pasay City.

Ito’y ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ay dahil sa inaasahang pagbabalik Maynila ng mga nagdiwang ng kapaskuhan sa mga lalawigan.

Sa mga nabanggit kasing lugar nakatayo ang mga terminal ng bus na patungong probinsya, idagdag na rin ang dami ng mga pumapasadang city buses.

Maliban dito, mabigat na rin ang daloy ng trapiko sa bahagi ng Balintawak at Magallanes dahil ito ang pangunahing entry at exit points ng mga motoristang nanggagaling sa North at South Luzon Expressways.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -