Saturday, May 18, 2024

Dagdag-presyo sa produktong petrolyo asahan sa susunod na linggo

- Advertisement -

Asahan ang taas presyo sa gasolina, diesel, at kerosene sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng mga kumpanya ng langis, maglalaro sa P0.20-P0.30 kada litro ang taas presyo sa gasolina habang P0.50-P0.60 kada litro naman sa diesel at kerosene.

Inaasahang ipatutupad ang taas presyo sa Martes, Disyembre 3.

Samantala, epektibo na ngayong araw ang taas presyo sa Liquified Petroleum Gas (LPG) na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis.

Batay sa kanilang abiso, nadagdagan ng P0.20 kada kilo ang presyo ng LPG o katumbas ng P2.75 taas presyo sa kada 11 kilong tangke.

Habang nagtaas naman ng P0.11 kada litro ang Auto LPG.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -