Friday, May 3, 2024

Curfew tuloy pa rin kahit tapos na ang Bayanihan act —Palasyo

- Advertisement -

Tuloy pa rin ang ipinatutupad na mga curfew kahit tapos na ang Bayanihan to Heal as One act.

Ito ang nilinaw ng Malacañang kasunod ng naging komento ni Senate Minority Franklin Drilon na hindi na maaaring ipatupad ng pamahalaan ang mga curfew at pagbabawal sa mass gathering dahil nagtapos na ang Bayanihan act.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kahit tapos na ang Bayanihan act ay hindi maaaring tumigil ang gobyerno sa pagtugon sa problema ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.

Aniya, maging ang mga ordinansa na ipinalabas ng mga lokal na pamahalaan kaugnay sa curfews ay epektibo parin.

Samantala, kinondena naman ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang naging pahayag ni Drilon dahil mapanganib at humihikayat umano ito sa publiko na manggulo at sirain ang katahimikan ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img