33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

‘Wag masyadong balat-sibuyas —Robredo

- Advertisement -

Huwag masyadong maging balat-sibuyas.

Ito ang naging payo ni Vice President Leni Robredo sa kasalukuyang administrasyon matapos ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kaugnay sa pagpuna nito sa pagkukulang ng pamahalaan sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Robredo, ngayong panahon ng krisis ay wala umanong espasyo para sa pagkakamali gayung bawat pagkakamali ay may nakatayang buhay.

Inamin naman ng bise presidente na ang kanyang opisina ang sumusubok na pumuno sa pagkukulang ng pamahalaan.

Humihiling naman si Robredo sa administrasyon na maging bukas sa kritisismo at suriin ang kanilang pagkakamali partikular na sa paghawak ng sitwasyon ng COVID-19 sa bansa kaysa takpan ang mga pagkukulang nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -