33.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Curfew, community quarantine violators, umabot na sa mahigit 175,000 indibidwal

- Advertisement -

Pumalo na sa mahigit 175,000 indibidwal ang lumabag sa curfew at community quarantine sa buong bansa.

Ito ay batay sa tala ng Joint Task Force COVID-19 Shield simula noong Marso 17 hanggang Mayo 18 o sa loob lamang ng 63 araw.

Ayon kay JTF COVID-19 Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, pinakamarami sa lumabag ay mula sa Luzon, sinundan naman ito ng Mindanao at Visayas.

Mula sa kabuuang bilang, 103,781 dito ang agad ring pinauwi matapos bigyan ng warning, mahigit 6,000 naman ang pinagmulta habang mahigit 34,000 naman ang tuluyang inaresto at nahaharap sa kaso.

Samantala, tiniyak naman ni Eleazar na magpapatuloy ang pag-aresto ng JTF COVID-19 shield sa sinomang lalabag sa community quarantine protocols.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -