- Advertisement -
Isasailalim sa operasyon si Utah Jazz Forward Bojan Bogdanovic.
Ito ay matapos na makapagtamo ng injury sa kamay o malapit sa pulso ang manlalaro simula pa noong Enero at lumala sa kasagsagan ng lockdown bunsod ng COVID-19.
Umaasa naman ang koponan na agad itong gagaling bago pa ma magsimula ang 2020-21 season ng NBA.
Samantala, nakapirma ng apat na taong kontrata si Bogdanovic sa Utah Jazz sa halagang $73-M.
- Advertisement -