Thursday, May 2, 2024

Crime rate sa bansa bumaba ng 60% — PNP

- Advertisement -

Bumaba ng 60% ang crime rate sa bansa.

Ito ay batay sa tala ng Philippine National Police (PNP) simula Marso 17 hanggang Mayo 23.

Ayon kay Joint Task Force COVID-19 Shield Commander P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar, posibleng tumaas muli ang crime rate sa bansa oras na alisin na ang quarantine at bumalik na ang buong aktibidad sa ekonomiya.

Kumpiyansa naman si Eleazar na bagamat babalik ang naitatalang krimen ay hindi na ito babalik sa dating rate dahil sa mga ipinapatupad na hakbang ng PNP bilang bahagi ng ‘new normal’.

Samantala, magiging hamon naman aniya sa kapulisan ang pagtago ng mga kriminal sa pamamagitan ng facemask.

Sa ngayon nasa mahigit 71 police personnel na ang naka-deploy sa campaign against COVID-19 ng task force, bukod pa sa mahigit 4,000 quarantine control points.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img