Thursday, May 2, 2024

COVID-19 cases sa bansa mahigit 35,000 na

- Advertisement -

Umabot na sa mahigit 35,000 ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang panibagong 653 COVID-19 cases sa bansa, kung saan, 485 sa mga ito ang “fresh” cases, habang 168 naman ang “late” cases.

Dahil dito, sumampa na sa kabuuang 35,455 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa habang pumalo na sa 1,244 ang mga nasawi dahil dito makaraang makapagtala pa ng panibagong walo.

Nadagdagan din ng 258 ang mga naka-recover mula sa virus kaya’t nasa 9,686 na ang lahat ng mga gumaling mula sa COVID-19.

Samantala, 245 sa mga “fresh” cases ay naitala mula sa Metro Manila, 120 ay mula naman sa Region VII, walo ay mga repatriates, habang ang nalalabing 112 ay mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nasa 111 naman sa mga “late” cases ay nagmula rin sa Metro Manila, 11 mula sa Region VII, 21 ang repatriates habang 25 ay nagmula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img