32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

COVID-19 cases sa buong mundo higit 10-M na

- Advertisement -

Humigit na sa 10-milyon ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Kasunod na rin ito ng pagluwag ng mga ipinatupad na lockdown sa mga bansang maLubhang tinamaan ng virus.

Ayon sa World Health Organization (WHO), tinatayang doble ang naturang bilang sa naitatalang severe influenza illnesses taun-taon.

Bahagi ng nasa 25% ng kabuuang kaso ay nagmula sa North America, 25% din nito ang mula sa Latin America, maging sa Europa, habang 11% naman sa naturang kaso ay mula sa Asya at 9% ang mula sa Middle East.

Nakararanas din ng muling pagsirit ng COVID-19 cases ang ibang mga bansa kung saan unti-unti ring nagpapatupad muli ng lockdown ang mga ito —bagay na, ayon umano sa mga eksperto, ay posibleng paulit-ulit na mangyayari sa mga susunod na buwan o hanggang sa taong 2021.

Nakitaan din ng bagong outbreaks ang China, New Zealand at Australia sa nakalipas lamang na buwan.

Samantala, sa ngayon, mayroon nang mahigit 497,000 na bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo.

Magugunita ring nito lamang Huwebes ay ini-anunsyo ng WHO na inaasahang papalo pa sa 10-milyon ang COVID-19 cases sa buong mundo sa susunod na linggo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -