Sunday, April 28, 2024

Convicted rapists, murderers mas mabuting ipatapon na lang sa West PH Sea — PCOO sec

- Advertisement -

Mas makabubuti kung ipatatapon na lamang ang mga convicted rapists at murderers sa West Philippine Sea.

Ito ay ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar sa gitna ng isyu ng implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Aniya, kung ito ang paraan na gagawin ay madaling maihihiwalay ang mga preso na nakagawa lamang ng magaan na kasalanan sa mga sangkot sa heinous crimes.

Matatandaang ilang beses na iminungkahi na magkaroon ng animo’y “alcatraz system” kung saan ay ilalagay sa isang isla ang kulungan ng mga preso.

Ang alcatraz ay isang dating military prison sa San Franciso Bay sa Amerika na naging kulungan ng mga hinatulan ng pagtataksil noong panahon ng civil war.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -