Monday, May 13, 2024

BuCor legal counsel nadiin sa pagpapatuloy ng senate hearing kaugnay sa GCTA

- Advertisement -

Nadiin sa ika-apat na pagdinig ng senado ang legal counsel ng Bureau of Corrections (BuCor).

Dahil ito sa pag-amin ni Atty. Frederick Santos na hindi nila sinusunod ang Administrative Order 953 of 2015 sa pagpapalaya ng mga bilanggo sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) at mga nagtapos na ang sentensya.

Iginiit ni Santos na wala nang bisa ang A.O. 952 nang ipatupad ang BuCor Modernization Act noong May 2018.

Sa ilalim ng A.O. 953, sinasabi doon na kailangang may basbas ng Justice secretary kapag may palalayain sa ilalim ng GCTA, kailangang magpadala ng listahan sa Department of Justice (DOJ), isang buwan bago ang petsa ng pagpapalaya at hindi sakop ng GCTA ang mga sentensyado ng reclusion perpetua at nakagawa ng heinous crimes.

Kapwa naman aminado sina dating BuCor Chief Nicanor Faeldon at Justice secretary Menardo Guevarra na blangko sila sa Administrative Order 953.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -