Thursday, May 2, 2024

Comelec nagbabala sa mga nagpapakalat ng fake news

- Advertisement -

Nagbabala ang Comelec o Commission on Election sa mga nagpapakalat ng fake news para sirain sa mga botante ang integridad at sistema ng nalalapit na halalan.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, nakikipag-ugnayan na sila sa mga law enforcement agency upang mapanagot ang mga nagpapakalat ng naturang balita.

Inamin din ni Jimenez na kasalukuyang may kinahaharap na tatlong malalaking fake news ang poll body.

Kabilang sa mga ito ang balita na kaya umanong malaman ng mga politiko kung sino ang ibinoto ng bawat botante mayroon din umanong kumakalat na pekeng listahan kung saan hindi kasama ang pangalan ng mga botanteng hindi kakampi ng mga nagpapakalat nito.

Mariin naman itong pinabulaanan ni Jimenez pati na ang balitang maaari umanong dayain ang sistema ng botohan.

Samantala, nagpaalala rin ang Comelec sa publiko na maging alerto at maging mapanuri sa mga kumakalat na pekeng balita lalo na sa internet.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img