Friday, May 17, 2024

PAO hindi kumbinsido sa resulta ng imbestigasyon ng PNP at NBI sa Silawan case

- Advertisement -

Hindi kumbinsido ang Public Attorney’s Office o PAO sa resulta ng imbestigasyon ng Philippine National Police o PNP at National Bureau of Investigation o NBI kaugnay sa pagpatay ng dalagita sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Paliwanag ni PAO Chief Persida Acosta, tumatayong legal counsel ng mga magulang ni Silawan, walang tuwirang nakakita o eye witness ang nbi na magdidiin sa mga salarin sa halip ay ibinase lamang nila ito sa circumstantial evidence.

Kabaliktaran ito ng naging resulta ng imbestigasyon ng Lapu-Lapu City Police na naging batayan ang testimonya ng isa umanong piping testigo na nakwento sa nakitang pagpatay kay Silawan.

Dahil dito, pinaplano na ng PAO ang pagtungo nila sa Cebu para makipag-ugnayan sa mga otoridad doon sa pamilya ng biktima.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -