Sunday, May 5, 2024

Christopher De Leon magdo-donate din ng plasma

- Advertisement -

Nangako rin ang aktor na si Christopher De Leon na magdodonate siya ng kanyang plasma para makatulong sa paggaling ng iba pang pasyenteng dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Christopher, kinakailangan niya pang dumaas sa isang proseso bagao makapag-donate ng plasma.

Sa ngayon ay negatibo na si Christopher sa COVID-19 at naka-uwi na rin ng kanilang tahanan noong Marso 25.

Gayunman kinakailangan pa ring sumailalim ng aktor sa self-isolation para makatiyak na hindi na siya makakapang-hawa pa ng iba.

Marso 17 nang i-anunsyo ni Christopher na nagpositibo siya sa COVID-19 at ang kauna-unahang aktor na umaming nahawaan siya ng virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img