32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Marcial titiyak na lalaban sa Olympics kahit inaalok bilang pro boxer

- Advertisement -

Seryosong pinag-iisipan ng Filipino Olympic Boxer na si Eumir Marcial ang mga alok sa kanya na lumaban sa professional boxing match.

Ayon kay Marcial, tunay na nakakaakit ang mga malalaking premyo at alok sa kanya para sumabak sa professional fight.

Gayunman, tiniyak pa rin ng Filipino boxer na kanyang tutuparin ang pangako sa lahat ng kapwa Pilipino na lalaban siya sa susunod na Olympic games.

Dagdag ni Marcial, nakasaad naman aniya sa bagong rules na maaari nang lumaban sa Olympics ang mga professional boxers simula pa noon 2016.

Si Marcial ay kuwalipikado na sa Olympics matapos ang kanyang naging laban sa Asia-Oceania Olympic Boxing Qualifying Tournament sa Jordan noong Marso kung saan nakapag-uwi rin siya ng gintong medalya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -