Wednesday, May 8, 2024

Chinese national na nanakit ng isang siklista, nandura sa isang security guard sa Makati kinasuhan na

- Advertisement -

Kinasuhan na ang babaeng Chinese national na nanakit ng isang siklista at nandura pa ng isang security guard sa Makati City.

Ayon kay Makati Police Chief Colonel Oscar Jacildo kabilang sa mga isinampa nilang kaso sa Makati City Prosecutors Office laban kay Dong Li ay assault to persons in authority at physical injuries.

Nakipag-ugnayan na aniya sila sa Chinese embassy at Bureau of Immigration para mabatid ng estado ng 27 anyos na Chinese national.

Sa isa pang video ang nasabing Chinese national ay nakaposas habang nakaupo sa sahig matapos magwala sa isang kainan at nanira ng mga lamesa at nakunan din itong dinuraan ang rumespondeng guwardya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img