PCW may bagong chairperson na

0
14

Nakapili na si Pangulong Rodrigo Duterte ng kapalit ng nag-resign na chairperson ng Philippine Commission on Women (PCW) na si Rhodora Bucoy.

Ani Executive Secretary Salvador Medialdea, pinalitan si Bucoy ni Commissioner Sandra Sanchez Montano.

Nauna rito, sari-saring impormasyon ang kumalat na umano’y sinibak sa pwesto ni Pangulong Duterte si Bucoy.

Kasunod nito, pinabulaanan naman ng pamunuan ng PCW ang naturang alegasyon, sa katunayan anila, nagsumite ng resignation letter si dating PCW Chairperson Bucoy nitong 7 ng Hulyo.