Sunday, May 5, 2024

CebuPac nagsagawa ng precautionary measures kontra COVID-19

- Advertisement -

Nagpatupad na ng mga precautionary measures ang Cebu Pacific laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito ay matapos mapaulat na isang babaeng Australian ang nagpositibo sa COVID-19 matapos bumiyahe ng Pilipinas at pabalik ng Sydney sakay ng eroplano ng Cebu Pacific.

Ayon kay Charo Logarta, tigapagsalita ng airline, sinimulan na nilang i-disinfect o linisin nang maigi ang eroplanong ginamit sa flight na sinakyan ng nabanggit na Australian national.

Isinailalim na rin aniya ito sa preventive quarantine.

Sinabi ni Logarta, sa kasalukuyan ay kanila na pa ring hinihintay ang opisyal na abiso hinggil sa detalye nang nabanggit na pasahero.

Tiniyak naman ni Logarta na patuloy silang nakikipag-ugnayan at nakikiisa sa mga programa ng pamahalaan para mapigil ang pagkalat ng coronavirus sa bansa.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na namasyal ng Metro Manila at Pangasinan ang nabanggit na pasyente bago bumalik ng Australia.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img