Sunday, May 5, 2024

CBCP sa 30th SEA Games: Maging magiliw at magkaisa

- Advertisement -

Dapat na maging magiliw at magkaisa ang sambayanang Pilipino.

Ito ang payo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko sa gitna ng kaliwa’t-kanang aberya na nararanasan ng mga atleta sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, dapat na iparanas ng mga Pinoy sa foreign delegations ang mainit na pagtanggap, pagmamalasakit at pakikipag-kaibigan.

Dagdag pa ng obispo, dapat munang isantabi ang mga kritisismo hinggil sa umano’y kapalpakan ng SEA Games organizing committee dahil hindi aniya ito magbibigay ng lakas ng loob sa mga atletang Pilipino at mga delegado.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img