Thursday, May 9, 2024

Cancelled flights sa Dec. 26, 27 dahil sa pansamantalang pagsasara ng Kalibo Airport bunsod ng ‘Ursula’

- Advertisement -

Kanselado ang maraming biyahe ng eroplano mula at patungong Kalibo ngayong araw na ito, December 26, hanggang bukas, December 27.

Kasunod ito nang pagsasara pansamantala ng Kalibo Airport para kumpunihin matapos mapinsala ng Bagyong ‘Ursula’ ang terminal building ng paliparan.

Nagkansela na ng kanilang mga biyahe ang Philippine Airlines mula at patungong Kalibo ngayong araw na ito at nag-abiso na arin ang Cebu Pacific sa called flights nito mula at patungong Kalibo hanggang bukas.

Kabilang sa mga kanseladong biyahe ngayong araw na ito ng Cebu Pacific ay:

  • 5J 412 Cebu-Kalibo
  • 5J 413 Kalibo-Cebu
  • 5J 1811 Cebu-Kalibo
  • 5J 419 Kalibo-Cebu
  • 5J 180 Kalibo-Incheon
  • 5J 181 Incheon-Kalibo

Sa Philippine Airlines naman, apektado ang biyahe Beijing – pa-Kalibo, Manila – pa-Kalibo, Cebu – pa-Kalibo at pabalik.

Kanseladong Air Asia Flights naman mula Kalibo – pa-Incheon, Kalibo – pa-Shanghai Pudong, Kalibo – pa-Busan, Manila – pa-Kalibo at pabalik.

Nag-abiso ang dalawang airline companies hinggil sa pag-accommodate sa mga apektadong pasahero sa susunod na available flights.

Binigyan din ng option ang mga pasahero na i-avail ang rebooking ng walang babayarang penalties, full refund ng tickets o kaya ay ilagay sa travel fund ang ibinigayad nila sa kanilang tickets.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img