Saturday, May 4, 2024

Bulacan nakapagtala ng 26 panibagong kaso ng COVID-19

- Advertisement -

Nakapagtala ng 26 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lalawigan ng Bulacan.

Batay ito sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office ng Bulacan, dahilan kaya umakyat na sa 100 ang kabuuang ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Kabilang sa nabanggit na bilang ang apat na bagong kaso mula sa Malolos City, lima sa San Jose Del Monte City, dalawa sa Meycauayan, lima sa Marilao, dalawa sa Baliwag, dalawa sa Balagtas.

Habang tig isang bagong kaso sa Bulakan, Guiguinto, Angat Pandi, Paombong, at San Rafael.

Samantala umakyat naman sa 22 ang bilang ng namatay dahil sa COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan matapos madagdagan ng isa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img