29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 umabot na sa mahigit 60

- Advertisement -

Umakyat na sa 67 ang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. General Bernard Banac, umaabot na rin sa halos 600 mga pulis na suspected patients at 74 na probable ang kanilang mino-monitor.

Una nang sinabi ni Banac na ang dahilan ng patuloy na pagtaas sa kaso ng mga pulis na positibo sa COVID-19 ay ang dami rin ng mga motoristang dumaraan sa mga check point.

Kaugnay nito, muling hinimok ni Banac ang publiko na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan bilang pagsunod sa umiiral na enhanced community quarantine.

Samantala, sinabi ni Banac na umabot na sa 44 na indibiduwal ang kanilang naaresto ng PNP dahil sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon kaugnay ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -