Saturday, May 4, 2024

BuCor naipadala na ang 34 na kahon na naglalaman ng records ng mga convicts na napalaya sa GCTA

- Advertisement -

Naipadala na ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Senado ang 34 na kahon na naglalaman ng record ng mga convicts na pinalaya simula 2010.

Ang hakbang ay bilang pagtalima sa kautusan ni Senador Richard Gordon, pinuno ng Blue Ribbon at Justice Committees na nag iimbestiga sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law partikular ang umano’y ‘GCTA for sale’.

Nasa custody na ng Senate Committee on justice and human rights ang mahigit isang milyong dokumento ng halos 50,000 convicts kabilang ang mga hinatulan dahil sa heinous crimes na pinalaya mula 2010 hanggang 2019.

Ngayong araw na ito itinakda ang pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa nasabing usapin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img