35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Guevarra inatasan ang bagong hepe ng BuCor na linisin ang kalat na idinulot ng GCTA

- Advertisement -

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang bagong hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na linisin ang kalat na idinulot ng pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance law (GCTA).

Kasunod na rin ito nang pagkikita nina Guevarra at BuCor Director General Gerald Bantag.

Ayon kay Guevarra pinakilos niya rin si Bantag para isulong ang full computerization at pigilan ang illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi naman ni Justice Undersecretary Markk Perete na unang meeting pa lamang ito nina Guevarra at Bantag dahil hindi pa kumpleto ang mga dokumentong kailangan para maging epektibo ang pagtatalaga kay Bantag bilang BuCor Chief.

Ang BuCor ay nasa ilalim ng DOJ.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -