Booster PinasLakas,ginanap kahapon sa Lungsod ng Iriga

0
4
FILE PHOTO: A woman holds a small bottle labelled with a "Coronavirus COVID-19 Vaccine" sticker and a medical syringe in this illustration taken October 30, 2020. REUTERS/Dado Ruvic/File Photo

Umaga ng umpisahan sa lungsod ng Iriga ang booster pinas lakas campaign ng Department of Health (DOH) bicol,upang mabigyan ng booster shot ang mamayan ditto para maging ligtas sa sakit na dala ng Covid-19 pandemic.

Pinangunahan ni DOH Under Secretary Dr. Nestor Santiago at RD Dr. Ernie Vera,Dr. Rey Millena,at Ni Mayor Rex Oliva ng Iriga city.at City Admisnistrator Atty. Ramon Oaferina and Dr. Ronald Perena of CHO, at ni madam Emmalyn P.Serios, ACLC Administrator ang nasabing aktibidad.

Samantalang dinumog din ito ng mga mamayan sa lungsod para magpa-booster shot kasama ang mga nurses at iba pang mga volunteers na nagbigay ng vaccination booster sa mga tao.na kung saan eto ay naging matagumpay.Salamat ito ang naging paunang pananalita ni Mayor Oliva sa mga ofisyal ng DOH, ayon kay Oliva malaking tulong anya ito sa lungsod ng iriga para makaligtas sa covid 19 pandemic.

Idinagdag pa neto na ang ginagawang estratihiya ng local na pamahalaan ay ilinalapit nila ang serbisyo sa mga tao, lalong-lalo na sa IP’s Indigenous Peoples at sa tribu na mabakunahan ang mga eto, katulong ang DEPED At CHO at iba pa.

Sa naging mensahe naman ni USEC. Dr. Nestor Santiago, sinabe niya na walang problema ang gobyerno sa Vaccines maraming supply ngunit kulang parin ang taong nagpapa booster kung kaya mayroon parin severe cases sa ngayon.

Tungkol naman sa pagsusuot ng facemask kailangan parin magsuot ang mga tao lalo na sa maymataas na kaso ng covid 19, kahit na may ipinalabas na executive order number 3 si pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na optional na ang paggamit ng facemask sa mga public places mabuti na rin na nag iingat parin ang mga mamamayan sa sakit na ito.

(Joey H.Lim)

Leave a Reply