Saturday, May 18, 2024

Baguio: Pulis nakasabat ng napatoyo na Marijuana may halaga ng mahigit P17.7M

- Advertisement -

(Baguio City-Kalinga) Dalawang katao ang nahuli sa operasyon ng Pulisya, Sa Sitio Dinakan, Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga. Ayon sa ulat na natanggap ng RPN News Baguio, Ang suspeks ay tiga Maynila. Batay sa ulat, na natanggap ng mga pulis na di umano ay may magbabayahe ng isang pulang Red Mitsubishi Adventure na dalang Illegal na druga buhat sa Tinglayan, Kalinga na papuntang Metro-Manila.

Agad na nagsagawa ng Checkpoint operation ang mga Kapulisan at ito ay humantong sa pagkumpiska ng anim na piraso ng tubular Marijuana leaves at mga tangkay na may bigat na 6,000 na gramo na may halagang 720 libong piso. Nakakumpiska din ang may kinauukulan ng 138 bricks ng pinatuyong dahon ng Marijuana na may bigat na 138 ,000 grams na may halagang sa mahigit na 16.5 milyong peso. Nakuha rin sa mga suspek ang cellphone at ang sasakyan na gamit sa pagbiyahe ng illegal na druga. Ang mga suspeks ay humaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang tinatawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RPN –Baguio/Joel Cervantes)

Photo credit PNP Kalinga

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -