Friday, May 17, 2024

Bilang ng mga Pinoy na nakakaranas ng gutom tumaas — SWS

- Advertisement -

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga pilipinong nakaranas ng gutom sa ikalawang bahagi ng 2019.

Batay ito sa survey ng SWS o Social Weather Stations kung saan sampung porsyento o tinatayang 2.5 million na mga pamilyang Pilipino ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan.

Mas mataas ito sa naitalang 9.5 percent o 2.3 milyong mga pamilya noong Marso.

Sa kaparehong survey, lumbas din na pinakamaraming naitalang pamilya na nagutom sa Metro Manila na merong 15.7 percent, sinundan ng balance Luzon na may 9.3 percent, Visayas sa 8.7 percent at Mindanao na 9 percent.

Isinagawa ang survey noong Hunyo 22 hanggang Hunyo 26 sa may 1,200 adult respondents sa buong bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -