Sunday, May 5, 2024

Bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo umabot na sa mahigit 180,000

- Advertisement -

Umakyat pa sa mahigit 180,000 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Batay rin sa pinakahuling talaan, pumapalo na sa mahigit 2.6-M milyon ang bilang ng mga napaulat na kumpirmadong kaso ng COVID-19 mula sa mahigit 190 mga bansa.

Nananatili pa ring nangunguna sa may pinakamaraming nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na umaabot na sa mahigit 47,000.

Ito naman ay matapos makapagtala ang Amerika ng mahigit 3,000 pagkasawi dahil sa COVID-19 sa loob lamang ng nakalipas na 24 oras.

Pumapangalawa pa rin ang Italy na mayroon nang mahigit 25 mga nasawi.

Sinundan ng Espanya na may mahigit 22,000 COVID-19 death related case, France na mahigit 21,000 at Great Britain na higit 18,000.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img