Thursday, May 2, 2024

Bilang ng kaso ng meningococcemia sa bansa pumalo na sa 169

- Advertisement -

Pumalo na sa 169 ang kabuuang bilang ng kaso ng meningococcenia sa Pilipinas.

Batay sa datos ng Department of Health o DOH, mas mataas ito ng apat na porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay Doctor Ferchito Avelino, officer-in-charge ng DOH Epidemiology Bureau, lumabas sa kanilang pag-aaral na lima mula sa sampung kaso ng meningococcemia ang posibleng masawi kung hindi agad na maagapan, o magtutungo sa mga pagamutan.

Dahil dito, pinayuhan ni Avelino ang publiko na agad na magtungo sa mga pagamutan sa oras na lumabas na ang sintomas ng meningococcemia kagaya ng pananakit ng ulo, mataas na lagnat, at pagsusuka.

Gayunman, sinabi rin ng opisyal na mas makabubuti kung maagapan ito sa pamamagitan ng tamang bakuna.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img