35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Panawagang dapat nang magbitiw si Albayalde sa pwesto “Presumption of Innocence” — Pang. Duterte

- Advertisement -

“Presumption of innocence.”

Ito ang naging tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga panawagang dapat nang magbitiw sa puwesto si Philippine National Police o PNP Chief General Oscar Albayalde.

Ayon sa pangulo, wala pa namang matibay na ebidensiya na magpapatunay na mayroong kinalaman si Albayalde sa kuwestinuyableng drug operation ng kaniyang dating mga tauhan sa Mexico, Pampanga noong taong 2013.

Aniya, hindi naman ibig sabihin na si Albayalde ang tumatayong chief ng Pampanga Provincial Police Office ng mga panahong iyon ay may kinalaman na ito sa nasabing anomalya.

Dagdag pa ng pangulo, dapat na bigyan ng pagkakataon si Albayalde na makapag-paliwanag hinggil sa nangyari sa naturang operasyon.

Gayunman, sinabi naman ng pangulo na nanatili pa ring buo ang kaniyang tiwala sa PNP chief.

Sa ngayon, ipinauubaya na lamang ni Pangulong Duterte ang magiging kapalaran ni Albayalde kay Interior Sec. Eduardo Año, dahil ito aniya ang karapat-dapat na mag-imbestiga sa isyu.

“Alam mo kasi, I said that I’am the executive so I execute the laws. Secretary Año will study the matter. We have to, you know, the presumption. Eh kung yung krimen nga binibigyan mo ng presumption of innocence. Albayalde is the PNP chief. Wala pa naman. Give me a clear proof na talagang he was there on the take or was in the trafficking of drugs. I could not just do it immediately. I had to follow due process and allow him to time to answer. There’s a right to be heard. It’s given to the criminals and the kidnappers, it should be given to a general,” ani Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -