Big-time oil price hike asahan sa darating na linggo

Big-time oil price hike asahan sa darating na linggo

by Powered by DWIZ
49 views

Asahan na ang malakihang taas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa pagtataya ng oil industry source, nasa P2.16 ang inaasahang dagdag presyo sa kada litro ng diesel; habang nasa P1.19 naman sa kada litro ng gasolina.

Sa hiwalay naman na abiso ng kumpanyang Unioil, P2.30 naman ang dagdag presyo sa kada litro ng diesel; habang P1.90 naman sa kada litro ng gasolina.

Inaasahan namang mag patupad din ng kaparehong taas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang iba pang kumpanya ng langis, sa Martes, Mayo 26.

0 comment

Related Posts