COVID-19 rapid test mataas ang false positive rate —PSMID

COVID-19 rapid test mataas ang false positive rate —PSMID

by Powered by DWIZ
51 views

Muling ibinabala ng isang grupo ng mga doktor ang panganib na maaring idulot nang pag-gamit ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) rapid test.

Ito ang naging reaksyon ng Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases (PSMID) matapos na isulong ni Presidential adviser for Entreprenuership Joey Concepcion ang pagsailalim sa mga empleyado sa COVID-19 test.

Sa isang pahayag, binigyang diin ng grupo na maaring magdulot ng ‘unintended’ harm ang hindi tamang paggamit ng rapid tests.

Ayon kay Dr. Issa Alejandria ng PSMID, mataas kasi ang false positive rate sa rapid tests dahil hindi naman nito tinutukoy ang virus, bagkus ay nade-detect lamang nito ang anti-bodies na inilalabas ng katawan.

Dahil dito, binigyang diin ng grupo na mas makabubuti kung gagamit na lamang ng iba pang uri ng COVID-19 test gaya ng PCR test dahil mas tumpak o accurate ang resulta nito.

0 comment

Related Posts