Radio Philippines Network
Headlines National News

COVID-19 rapid test hindi requirement para makabalik ng trabaho ang isang manggagawa —DOLE

Hindi kailangang pilitin ng mga pribadong kumpanya ang kanilang mga empleyado na sumailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) rapid test para mapayagan itong makabalik ng trabaho.

Ito ang binigyang diin ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kasunod na rin nang unti-unti pag-bubukas o balik operasyon ng ilang pribadong mga kumpanya.

Ayon kay Bello, kung igigiit man ng mga employer na kailangang sumailalim ng isang manggagawa sa rapid test ay kailangan sagutin ng kumpanya o employer ang gastusin para sa nasabing pagsusuri.

Matatandaang sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ), pinayagan na ang ilang pribadong sector na unti-unting magbalik operasyon.

Related posts

Dooc dumipensa sa mga batikos

Powered by DWIZ

Carpio nag-inhibit sa West PH Sea case

Powered by DWIZ

‘Motion to Quash Information’ ni Maria Ressa ibinasura ng Manila RTC

Powered by DWIZ