Friday, May 10, 2024

BI nakikipag-ugnayan na kay Hontiveros ukol sa pastillas scheme

- Advertisement -

Nakikipag-ugnayan na rin ang Bureau of Immigration (BI) sa tanggapan ni Senador Risa Hontiveros kaugnay sa nabunyag na pastillas scheme na kinasasangkutan ng ilang tauhan ng immigration.

Matatandaang nabunyag sa pagdinig ng Senado ang sinasabing pagtanggap ng suhol ng ilang BI personnel para mag – escort sa Chinese POGO workers.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, hihingi sila ng impormasyon sa Senadora para magamit sa kanilang imbestigasyon.

Nais aniyang matukoy ni Immigration Commissioner Jaime Morente sa lalong madaling panahon kung sino – sino ang nasa likod ng naturang pastillas scheme.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -