Saturday, May 4, 2024

Belgica itinuturing na ‘demolition job’ ang kaso vs. sa kanya

- Advertisement -

Itinuturing ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na isang ‘demolition job’ ang kasong isinampa laban sa kanya.

Ito ay matapos na sampahan ng kaso ng grupong Kilusang Pagbabago si Belgica dahil sa pagbitbit niya ng baril sa mga ikinakasa nitong operasyon.

Ayon kay Belgica, nais lamang ng grupong Kilusang Pagbabago sa pangunguna ni Monalie Dizon na sirain ang kanyang reputasyon dahil sa hindi niya pagpayag sa nais nitong maglabas siya ng desisyon sa kanilang isinasagawang imbestigasyon na pabor sa  kanilang grupo.

Samantala, iginiit naman ni Belgica na hindi niya ito palalagpasin dahil hangad niya at ng PACC na tapusin at sugpuin ang korupsyon sa pamahalaan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img