30.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Nigerian na tumalon sa Pasig river nasagip ng PCG

- Advertisement -

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang nakaposas na Nigerian national sa Pasig River sa bahagi ng Mandaluyong City.

Ayon sa isang PCG personnel, sinabi ng naturang Nigerian na galing siya sa Makati Police Station ngunit hindi nito idenetalye kung sino ang naglagay ng posas at kung bakit siya tumalon sa ilog.

Tinukoy din na ang posas na nakakabit sa dayuhan ay hindi mula sa pulis kundi sa sibilyan.

Nakikipag-ugnayan na ang mga PCG personnel sa Makati Police para iberipika ang salaysay ng dayuhan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -