33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Bayanihan 2 inaasahang pipirmahan ni Duterte sa susunod na linggo —Palasyo

- Advertisement -

Inaasahang pipirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) hanggang sa susunod na linggo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagkaroon lamang ng delay sa pagpasa ng batas dahil kinokonsulta pa ng Malacañang ang lahat ng stakeholders ng Bayanihan 2.

Aniya, kasama naman ito sa ordinaryong proseso na pinagdaraanan ng anumang panukalang batas.

Gayunman, sandali naman aniyang matapos ang konsultasyon ay agad itong pipirmahan ng pangulo.

Samantala, magugunitang nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One ang P165-bilyong pondo para sa pagpapatuloy ng pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic gayundin sa pagbili ng bakuna laban sa virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -