Sunday, April 28, 2024

Bawas-distansya sa public transpo delikado —prof

- Advertisement -

Nanindigan si Professor Ranjit Rye ng UP-OCTA Research na delikado ang desisyon ng Department of Transportation (DOTr) na iklian o bawasan ang distansya ng mga pasahero sa bawat isa sa loob ng mga pampublikong transportasyon.

Ayon kay Rye, siyensiya na mismo ang nagsabi na ang 1-metro hanggang 2-metro na social distancing ang mabisang sandata kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Rye, hindi na dapat pang pag-eksperimentuhan ng DOTr ang social distancing dahil posible lamang kumalat ang COVID-19 at malagay sa alanganin ang buhay ng mga Pilipino.

Dagdag pa nito, imbes na bawasan ang distansya ng mga pasahero sa isa’t-isa ay maari namang damihan na lamang ng Inter-Agency Task Force ang bilang ng biyahe ng mga pampublikong sasakyan.

Kaugnay nito, naniniwala din si Rye na kung hindi patitinag ang DOTr hinggil sa pagpapatupad ng naturang plano ay posibleng bawasan din ang social distancing measures sa iba pang mga establisyimento gaya ng groceries, malls, pati na sa mga komunidad. —sa panayam ng Teka Teka, Alas-4:30 na

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -