25.3 C
Manila
Tuesday, February 27, 2024

Barangay pulis sa Davao city, binaril; patay

- Advertisement -

Patay ang isang baranagay pulis matapos itong mabaril ng isang hindi kilalang suspek pasado alas 4:00 ng madaling araw kahapon, Hulyo 20 sa Barangay Centro Agdao.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni Police Major Jake Goles ang biktima na si Gever Ewayan, 46 taong gulang, isang Barangay Police sa Brgy. Centro Agdao, Davao City at nakatira sa South San Juan.

Base sa imbestigasyon, habang naglalakad ang biktima sa kalye bigla na lang itong binaril ng isang hindi kilalang suspek sakay ng isang motorsiklo bago tumakas.

Naisugod pa sa Southern Philippine Medical Center si Ewayan ngunit ideneklara na itong dead on arrival matapos nakatamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan.

Narekober sa crime scene ang anim na mga empty shells sa .45 caliber pistol.

Patuloy pa din ang imbestigasyon sa nangyaring krimen upang malaman ang motibo ng suspek.

(Source: PIO PRO XI)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -