Sunday, May 5, 2024

Barangay-based, drive thru COVID-19 testing sa Taguig aarangkada na

- Advertisement -

Aarangkada na ang barangay-based at drive thru coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing sa Taguig City ngayong Miyerkules, ika-22 ng Abril.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, maraming eksperto ang nakapagpatunay na isa itong epektibong paraan upang mabawasan ang pagkalat pa ng COVID-19.

Dahil dito, umaasa rin ang alkalde na tataas pa ang bilang ng maisasagawang COVID-19 testing sa lungsod.

Samantala, magsasanay rin aniya ang lokal na pamahalaang lungsod sa pagpapatupad ng COVID-19 on-call service, kung saan kokolektahin ng mobile teams ng health workers ang swabs mula sa posibleng carrier ng virus sa kanilang mga bahay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img